advertisement
Showbiz News

ALAMIN: Mga celebrity na naging inspirasyon sa pagbuo ng kanta

1 of 10

Mayonnaise's Jopay

Taong 2004 nang ini-release ng Filipino alternative rock band na Mayonaise ang kanilang self-titled debut album kung saan kasama ang kanilang hit single na "Jopay." Dahil sa TikTok, muling sumikat ang 'Jopay' matapos ang 18 na taon.

2 of 10

Jopay of Sexbomb Girls

Sa isang video interview, kinuwento ng frontman ng Mayonnaise na si Monty Macalino na ang inspirasyon ng "Jopay" ay walang iba kung hindi si Jopay Paguia-Zamora, na miyembro ng SexBomb Girls.

3 of 10

Matthaios's Catriona

Bago matapos ang 2019, inilabas ng breakout star na si Matthaios ang kantang Catriona, na agad naging viral sa video-sharing app na TikTok.

advertisement
4 of 10

Catriona Gray

Ang inspirasyon ng kanta ay walang iba kung hindi si Miss Universe 2018 Catriona Gray na bukod sa angking ganda ay marami din ang na-inspire dahil sa kanyang hard work at dedication sa pagtulong sa kapwa.

5 of 10

Eraserheads's Ang Huling El Bimbo

Taong 1995 nang inilabas ng Eraserheads ang kantang "Ang Huling El Bimbo," na parte ng kanilang studio album na 'Cutterpillow.'

6 of 10

Paraluman

Ayon sa isang video ng AdoboGeek, nanonood ang frontman ng Eraserheads na si Ely Buendia na mga pelikula na gawa ng Sampaguita Pictures noong bata pa siya, at ang kanyang kabataan ang naging inspirasyon ng 'Ang Huling El Bimbo.' Sa lyrics ng kanta ay nabanggit na kamukha ng babae sa kanta ang aktres na si Paraluman, isa sa mga aktres ng Sampaguita Pictures.

advertisement
7 of 10

Adie's Paraluman

Ginamit din ng breakout artist na si Adie ang pangalang Paraluman sa titulo ng isa sa mga pinakaunang kanta, na ini-release noong 2021. Ngunit di tulad ng sa "Ang Huling El Bimbo," hindi ito patungkol sa dating beteranang aktres

8 of 10

Angelina Cruz

Sa isang panayam, inamin ni Adie na ang inspirasyon sa pagsulat ng kantang 'Paraluman' ay si Angelina Cruz, isa sa mga anak ng aktres na si Sunshine Cruz.

9 of 10

Hotdog's Bongga Ka, 'Day

Sino ba naman ang hindi mapapaindak sa kantang "Bongga Ka, 'Day"? Taong 1979 nang ini-release ng bandang Hotdog ang "Bongga Ka, 'Day" at simula noon ay marami na ang napapasayaw sa tunog nito.

advertisement
10 of 10

Pitoy Moreno

Sa lyrics ng 'Bongga Ka, 'Day,' tatlong pangalan ang nabanggit at isa na rito ang world-renowed fashion designer na si Pitoy Moreno, na tinaguriang "The Fashion Czar of Asia." Dahil sa kanyang angking galing sa larangan ng pagdidisensyo ng mga damit, talagang naaayon ang paggamit sa pangalan ni Pitoy sa kanta dahil bongga siya sa naturang industriya.