advertisement
Showbiz News

Celebrity breakup: Pokwang and Lee O'Brian

1 of 18

Pokwang and Lee O'Brian

Sina Pokwang at ang American ex-partner niyang si Lee O'Brian ay nagkakilala taong 2014.

2 of 18

Edsa Woolworth

Nagkatrabaho sina Pokwang at Lee sa pelikulang 'Edsa Woolworth.'

3 of 18

Start of relationship

Ayon sa isang Instagram post ni Pokwang, sa 'Edsa Woolworth' sila nagkahulugan ng loob ni Lee. Saad ng Kapuso actress, "Dito nagsimula ang lahat sa pelikulang Edsa Woolworth my mama and dad na naging true to life ang pag-iibigan hahahaha"

advertisement
4 of 18

Malia Francine O'Brian

Taong 2018, ipinanganak ni Pokwang ang kanilang anak ni Lee na si Malia Francine O'Brian.

5 of 18

Tisay ng Masa

Ang kanilang anak ay laging nakikita sa social media accounts nina Pokwang at Lee. Tinawag nila si Malia na "Tisay ng Masa."

6 of 18

Proud parents

Saksi ang mga followers nina Pokwang at Lee sa masaya nilang pagsasama at pagpapalaki sa kanilang cute na anak na si Malia.

advertisement
7 of 18

Separation

July 2022 nang inamin ni Pokwang na hiwalay na sila ni Lee. Ito ay nang maging usap-usapan ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

8 of 18

Confirmation

Kinumpirma ni Pokwang na nagtapos ang kanilang anim na taon na pagsasama. Sa interview ni Pokwang, inamin din niyang pitong buwan na silang magkahiwalay ni Lee.

9 of 18

Pokwang's interview

Sa interview na ito ni Pokwang ay ipinagtanggol niya si Lee sa mga bashers.

Saad ng aktres at host, "Sana ang alam ng tao na ang hinuhusgahan ninyo na si Lee O'Brian ay mabuting tao naman po. Mabuting ama. Nasasaktan lang ako sa mga nababasa ko na kesyo palamunin ko daw. Masipag po 'yung tao."

advertisement
10 of 18

Malia's questions

Inilahad ni Pokwang na sakali mang magtanong si Malia sa estado ng kanilang relasyon ay sasagutin niya ito. Ani Pokwang, "Naka-ready naman ako sa kaniya kung ano man ang katanungan niya. Ganoon talaga ang buhay."

11 of 18

Co-parenting

Pagkatapos aminin ni Pokwang ang kanilang paghihiwalay ni Lee ay nakita ng netizens na maayos pa sila sa pag-aalaga kay Malia.

12 of 18

2023

Ngayong 2023 ay ginulat ni Pokwang ang mga followers niya sa mga bago niyang statements tungkol kay Lee. Saad ng aktres sa isang nag-comment sa kanyang post sa Instagram, "Nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon ko na pala siya palamunin at limang taon walang child support! Wag ka na baka madamay ka sa demandahan namin."

advertisement
13 of 18

Posts

Saksi ang mga netizens sa mga bagong saloobin ni Pokwang tungkol sa ex-partner. Saad ng aktres, may iba nang girlfriend ngayon si Lee.

"Nagtagumpay siya na wasakin ang puso ng anak namin na ngarap na mabuo kaming muli!"

14 of 18

Pokwang's reaction

Sa latest Instagram post ni Pokwang ay nagbigay siya ng reaksyon sa mga nagsasabing huwag na i-post ang mga pinagdaraanan sa kaniyang personal na buhay.

15 of 18

Fast Talk with Boy Abunda

Isang madamdaming interview ang hinarap ni Pokwang sa 'Fast Talk with Boy Abunda.' Dito, ibinahagi ng actress-TV host ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay nila ni Lee at ang isyu tungkol sa negosyong binuo nila noon.

advertisement
16 of 18

Pakikipagbalikan 

Itinanong ni Boy Abunda kung umaasa pa ba si Pokwang na magkabalikan sila ni Lee. Sagot ng aktres, "Hindi ako magsisinungaling, Tito Boy. Talagang mahal ko siya, kaya lang sa mga lately na paghaharap namin parang nakita ko na okay, wala na.

17 of 18

Message 

Ang mensahe ni Pokwang sa kanyang ex-partner na si Lee O'Brian, "Minahal kita, lumaban ako para sa anak natin. Lahat ng pambabato sa akin sinasalo ko para sa anak natin."

18 of 18

Laban

Sa Instagram post ni Pokwang, sinabi niyang patuloy siyang lalaban para sa mga anak na sina Mae at Malia: "Bangon nanay ka at marami ka pang labada….. labada para sa ikauunlad ng pamilya #laban"

advertisement