Showbiz News

Jennylyn Mercado, hindi inexpect na matatanghal bilang FHM's “sexiest”

By CHERRY SUN
 
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Bago lumipad patungong Amerika, nakapanayam ng 24 Oras si Jennylyn Mercado tungkol sa kanyang pagkakasama sa sexiest list ng FHM.
 
“Ang dami nang nagre-request na ‘Uy, rumampa ka naman.’ Sabi ko parang nahihiya ako, parang wala pa akong lakas ng loob rumampa,” saad ni Jennylyn.
 
Ang akala niyang simpleng interview ay isa na palang surprise announcement ng kanyang pagkakahirang bilang FHM’s sexiest woman in the Philippines for 2015.
 
READ: Jennlyn Mercado, hailed as FHM’s sexiest  in 2015
 
Halong gulat at galak ang naramdaman ng Kapuso actress.
 
“Kahit nga siguro isa sa pamilya ko hindi nakaboto kasi hindi kami marunong,” ang natatawa niyang pahayag.

LOOK: 10 photos that show why Jennylyn Mercado is the sexiest woman alive
 
Wika rin ng hot momma, paghahandaan niya ang kanyang pagrampa sa FHM’s sexiest event pagbalik niya mula Amerika. Makakaasa rin daw ang kanyang fans na magiging isang malaking sorpresa ito.
 
LOOK:  Kapuso ladies dominate FHM’s Top 5 Sexiest Women list