Showbiz News

Janine Gutierrez, kinabahan at na-excite sa pag-arte kasama sina Nora Aunor at Lotlot de Leon

By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Sa kauna-unahang pagkakataon magkakasama sina Nora Aunor, Lotlot de Leon at Janine Gutierrez sa isang proyekto. Ito ay para sa programang Karelasyon kung saan isasabuhay ang kuwento ng Filipino comfort women noong World War II.
 
READ: Nora Aunor, Lotlot de Leon at Janine Gutierrez sa kanilang pagganap sa 'Karelasyon'
 
Sa kanyang panayam sa GMANetwork.com, ibinahagi ni Janine ang kanyang excitement para sa nasabing proyekto.
 
"I was nervous, overwhelmed and excited because I've always wanted to work with my mom (Lotlot de Leon) and my lola (Nora Aunor). I didn't imagine that it would happen at the same time na kaming tatlo ang magkakasama."
 
Dagdag ni Janine, "Sobrang saya at saka ang dami kong natutunan habang pinapanood ko sila and ayun I'm excited kasi maganda rin talaga 'yung kuwento at saka si Direk Adolf (Adolfo Alix, Jr.) 'yung gumawa."
 
Bilang anak at apo ng mga batikang aktres, nakakuha ba si Janine ng mga tips habang sila ay nasa set ng Karelasyon?
 
LOOK: Three generation of superstars
 
"No, hindi naman sila masermon in a specific way. Siguro 'pag alam nila na pinagsabihan nila ako kakabahan ako lalo. Pero I just take from their example kasi they're both very professional and super hardworking so pinapanood ko palang sila parang tinuturuan na nila ako."