Showbiz News

Princess Punzalan shares what she learned about her failed relationship with TV host and comedian Willie Revillame

By AEDRIANNE ACAR



Umamin ang veteran actress at Yagit star sa GMA News program na Tunay na Buhay, na malaki ang naging impluwensya sa kanyang paglaki nang paghihiwalay ng kanyang mga magulang na sina Helen Vela at Orly Punzalan.

Sa panayam sa kanya ni Rhea Santos, sinabi nito na 13 years daw sila hindi nagkita ng amang broadcaster at naging mahirap daw para sa isa’t-isa na ayusin ang kanilang relasyon bilang magtatay.

Kuwento ni Princess, “13 years kaming hindi nagkita simula nung naghiwalay sila, pero nung nagkita kami medyo mahirap buuin uli ‘yung relationship. I think medyo takot din siya pagusapan ‘yung nakaraan.”

Dagdag pa ng aktres, ito marahil ang isang dahilan kung bakit ginusto niya pumasok sa mundo ng pag-aartista dahil hinahanap-hanap niya ang pagmamahal at atensyon ng isang ama.

“Siguro isa rin 'yun sa naging early reasons or motivations ko kung bakit gusto ko maging artista. Pansinin mo ako. I’m here!”

Willie and their failed marriage

Paniwala din ni Princess na kaya marahil maaga din daw siya napasok sa mga relationships ay dahil mula siya sa isang broken family.

Aniya, “Maaga akong nagkaroon ng relationships. Because naghahanap ako ng male pansin. Nang pagmamahal, ng affection.”

Isa sa mga naging karelasyon ni Princess ay ang TV host at comedian na si Willie Revillame. Apat na taon na nagsama ang dalawa, ngunit nauwi din ito sa hiwalayan.

READ: Princess Punzalan, may mensahe sa kanyang ex-husband na si Willie Revillame

Tinanong ni Rhea si Princess kung ano ang aral na kanyang natutunan sa pagsasama nila ni Willie?

Sagot niya, “Isang natutunan ko is usually kung ano ang judgement mo against your parents bumabalik 'yun sa relationships mo. Parang mayroong cycle na mangyayari sa relationships mo that will be a mirror of what was your judgement against your parents.”

“Pero ang maganda, naputol ‘yung chain. How?..When I started to really know Papa for who he really was. Nagbago ang pattern ko sa relationships after that. Parang kung ano ‘yung mga judgements ko, natigil.”