Ipinalabas na sa GMA Afternoon Prime ang bagong show na handog ng GMA sa bawat Kapuso ngayong 2023.
Ito ay ang action suspense drama series na pinamagatang 'The Missing Husband.'
Ilan sa mapapanood sa series ay sina Yasmien Kurdi, Jak Roberto, Sophie Albert, Joross Gamboa, at Rocco Nacino.
Bukod sa kanila, tampok din dito ang iba pang mga aktor kabilang na sina Shamaine Buencamino, Cai Cortez, Max Eigenmann, Michael Flores, Bryce Eusebio, Patricia Coma, at marami pang iba.
Napapanood ang bagong programa sa GMA Afternoon Prime mula Lunes hanggang Biyernes sa oras na 4:05 ng hapon.
Silipin ang ilang behind-the-scenes photos sa set ng serye sa gallery na ito.
Ang nasa larawan ay isa sa lead stars na si Yasmien Kurdi at ang 'The Missing Husband' director na si Direk Mark Reyes.
Sina Rocco Nacino at Yasmien Kurdi ang gaganap sa karakter ng college sweethearts na sina Anton at Millie.
Mula sa kaliwa: Bryce Eusebio, Michael Flores, Max Eigenmann, Shamaine Buencamino, Yasmien Kurdi, at Rocco Nacino.
Balik GMA na ang aktor na si Joross Gamboa. Abangan ang kaniyang role sa 'The Missing Husband.'
Ang veteran actress na si Shamaine Buencamino ang gaganap na nanay ng karakter ni Rocco Nacino sa serye.
Abangan ang karakter ni Sophie Albert sa 'The Missing Husband.'
Mapapanood din sa 'The Missing Husband' si Cai Cortez.
Gaganap bilang mag-asawa sa serye sina Max Eigenmann at Michael Flores.
Ano kaya ang nangyari sa karakter ni Max Eigenmann sa larawan na ito? Abangan!
Picture, picture muna habang nasa set ng 'The Missing Husband.' Mula sa kaliwa: Joross Gamboa, Yasmien Kurdi, at Cai Cortez
Parang masyadong seryoso ang pinag-uusapan ng magkaibigan na ito.
Anu-ano kaya ang pagdadaanang mga problema ng Rosales family? Abangan!
Sabay-sabay nating abangan ang 'The Missing Husband,' soon sa GMA Afternoon Prime!
Ano kaya ang magiging koneksyon ng mga karakter nina Yasmien Kurdi at Jak Roberto sa 'The Missing Husband?' Abangan!
Sina Max Eigenmann at Rocco Nacino ay makikilala sa serye bilang magkapatid.
Ilang travel scenes ng college sweethearts na sina Anton at Millie (Rocco Nacino and Yasmien Kurdi) ang mapapanood sa pangmalakasang serye.
Kaabang-abang kung paano magsisimula ang love story nina Anton at Millie.
Ano kaya ang magiging koneksyon nina Brendan (Joross Gamboa) at Ria (Sophie Albert) kina Millie (Yasmien Kurdi) at Anton (Rocco Nacino)?
Mukhang seryoso at nakakakilig ang eksenang ito nina Anton at Millie.
Ilang mga eksena sa 'The Missing Husband' ay sa United Arab Emirates o UAE pa mismo kinunan.
Kabilang sa mga kinunan sa ibang bansa ay ang vlog scenes ni Anton (Rocco Nacino) habang kasama niya si Millie (Yasmien Kurdi).
Picture muna ang magkasabwat sa pangsa-scam na sina Brendan (Joross Gamboa) at Ria (Sophie Albert).
Teka, nag-photobomb pala si Anton (Rocco Nacino).
Sina Millie (Yasmien Kurdi) at Leila (Max Eigenmann), bardagulan on cam pero sobra ang tawanan kapag off cam.