GMA Logo david licauco
Source: themissn/ Tiktok and davidlicauco/IG
What's Hot

David Licauco fan, ginawang 'kanto' ang Mindanao to Manila para sa 'Maria Clara at Ibarra' actor

By Kristian Eric Javier
Published February 1, 2023 10:37 AM PHT
Updated February 1, 2023 10:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

david licauco


Isang fan ni David Licauco ang kumasa sa "What are you willing to do" challenge! Tingnan ang kanyang ginawa para sa iniidolong aktor dito:

Hindi maipagkakailang mas dumami ang fans ang Maria Clara at Ibarra star na si David Licauco. Isa na rito ang Tiktoker user na si @themissn, na kumasa sa "What are you willing to do?" trend ngayon sa naturang social media platform

Sa kanyang video, makikita siyang sumakay ng eroplano para kumain sa restaurant na pag-aari ni David, ang Kuya Korea.

May nakasulat pa ritong huwag siyang hamunin ng “What are you willing to do?” dahil kaya raw niyang gawing kanto ang Mindanao to Manila para lang kumain sa restaurant nito.

@themissn Para sa Pambansang Ginoo #davidlicauco #fyp ♬ original sound - Lofi_lyrics

Maraming netizens ang humanga sa ginawa ng dalaga at inudyukan ang aktor na pansinin naman ito, habang ang iba naman ay napa-sana all na lang at sinabihan pa ang nag post ng video na isama sila.

Hindi naman binigo ni David ang kanyang fan at nireplyan ito sa TikTok at sinabing sobrang na-appreciate nito ang ginawa ng dalaga.

“When will you be back? Message me once you're back here in MNL,” dagdag pa ng binata.

Nag-post naman ang dalaga ng panibagong video kung saan ipinakita niya ang paglapag ng eroplanong sinasakyan niya, at ang sagot sa komento ng aktor.

Ayon sa dalaga, nalungkot siya ng malaman na nasa Kuya Korea pala ang idolo ng papasakay na siya ng eroplano pauwi.

“Indeed, when the time is right, the Lord will make it happen and this time, He gave me an assurance,” saad ng text sa video.

Dagdag pa nito, “Just another happy and grateful fan.”

@themissn Replying to @David Licauco ♬ original sound - themissn

Si David ang gumaganap sa karakter na Fidel sa hit fantasy-portal series. Marami man ang nainis sa karakter niya noon dahil sa mga red flags, kinagigiliwan na siya ngayon ng mga manonood at gayun din ang loveteam nila ni Klay (Barbie Forteza) na tinawag na FiLay.

TAKE A LOOK AT THE OTHER BUSINESS FRANCHISES OWNED BY DAVID: