Showbiz News

Tom Rodriguez and Megan Young, may chance bang magkatuluyan in real life like DongYan?

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Taong 2007 nang unang gawin ng Kapuso network ang Philippine version ng well-loved Mexicanovela na Marimar. Ito ay pinagbidahan ng ngayong Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, isang pagtatambal na nauwi sa kasalan noong nakaraang taon.
 
READ: DongYan, nakisaya sa 'Idol sa Kusina' 
 
Kaya naman hindi nakaligtas ang bagong Marimar at Sergio na sina Megan Young at Tom Rodriguez sa tanong na kung matutulad ba sila kina Mr. and Mrs. Dantes.
 
LOOK: The cast of 'Marimar' 
 
Ayon kay Tom, hindi naman daw nila kontrolado ang expectations ng viewers.
 
READ: Tom is ready to be compared to Dingdong
 
"Hindi ko naman mako-control kung ano ang ine-expect ng mga tao pero all I can say is, hindi naman 'yun ang basis ng mga ganung pangyayari. Siguro nagkataon lang that they were together there in the show and something developed. Pero that's not a recipe I think. Hindi naman 'yun set in stone na ganun lagi ang nangyayari."
 
Megan also had the same sentiments.
 
READ: Megan gets Miss World's nod in playing Mari Mar
 
"Ako naman kasi, pagdating sa work, work lang talaga. And Tom is a friend of mine, and parang for us 'Let's just do it na work lang talaga.' Good friend ko talaga siya, even before pa, magka-work na kami, nagkasama na kami dati. Hindi pa naman kami ganun ka-close, pero sana doon sa bonding na mayroon na kami from our previous show and our workshop, sana makita onscreen na maging reel, hindi real."
 
Hindi ba posible na may mabuong pagkakamabutihan sa kanilang dalawa?
 
"Hindi talaga (laughs)!" patawang sagot ni Megan.