advertisement
Showbiz News

#Versatility: The notable roles of Snooky Serna in GMA teleseryes

1 of 15

La Vendetta 

Naging bahagi si Snooky ng cast ng horror-thriller series na 'La Vendetta.' Gumanap ang batikang aktres bilang si Janet, ang ina ni Eloisa na ginampanan ni Sunshine Dizon.

2 of 15

My Faithful Husband 

Ginampanan ni Snooky ang karakter bilang Mercedes, ang tunay na ina ni Emman (Dennis Trillo) na lihim na napopoot sa kanyang anak, sa 2015 primetime series na 'My Faithful Husband.'

3 of 15

Hahamakin Ang Lahat

Kabilang si Snooky sa stellar cast ng GMA Afternoon Prime series na 'Hahamakin Ang Lahat,' kung saan gumanap siya bilang Laura Caraca, ang isang kasambahay na namamasukan sa pamilya Tan.

advertisement
4 of 15

Poor Senorita 

Binigyang buhay ni Snooky ang kontrabida role bilang Deborah, ang sipsip na tiyahin ni Rita (Regine Velasquez), sa 2016 romantic-comedy series na 'Poor Señorita.'

5 of 15

Karelasyon 

Noong 2017, bumida si Snooky bilang Andeng sa 'Biglang Yaman' episode ng drama-anthology series na 'Karelasyon.'

Ang kuwento ng nasabing episode ay tungkol sa isang mahirap na pamilyang magiging bigla ang pagyaman. Nakasama pa rito ng veteran actress ang kapwa seasoned actor na si Gardo Versoza, na gumanap bilang ang asawa niyang si Toyong.

6 of 15

Pamilya Roces 

Noong 2018, ginampanan ni Snooky ang karakter bilang Camilla Austria sa Kapuso primetime series na 'Pamilya Roces.' Si Camilla ay silent but deadly dahil mayroon siyang pagtingin sa asawa ng kanyang kapatid na si Natalia (Gloria Diaz), si Rodolfo (Roi Vinzon).

advertisement
7 of 15

Magpakailanman

Tampok ang makulay na buhay ni Snooky sa 'The Ups and Downs of Snooky Serna' episode ng drama anthology series na 'Magpakailanman' noong 2018.

Bumida ang veteran star mismo sa nasabing episode kasama sina Gary Estrada, Juan Rodrigo, Lui Manansala, Reese Tuazon, Kevin Santos, at marami pang iba.

8 of 15

The One That Got Away 

Isa sa mga karakter na ginampanan ni Snooky ay si Patty, ang conservative at religious na nanay ni Alex (Lovi Poe), sa 2018 GMA Telebabad series na 'The One That Got Away.'

9 of 15

Sahaya

Naging bahagi si Snooky Serna ng 2019 epic dramaserye na 'Sahaya,' kung saan gumanap siya bilang Salida, ang ina ni Aratu (Benjamin Alves).

advertisement
10 of 15

Anak ni Waray vs. Anak ni Biday 

Isa sa mga ginampanang roles ni Snooky sa GMA-7 ay si Amy the Waray sa 2020 GMA Telebabad series na 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.'

11 of 15

Stories From The Heart: Never Say Goodbye 

Gumanap si Snooky bilang Susan, ang mapagmahal na ina ni Joyce (Klea Pineda), sa drama mini-series na 'Stories From The Heart: Never Say Goodbye' noong 2021.

12 of 15

Tadhana 

Isa sa mga episode na pinagbidahan ni Snooky sa weekly drama anthology series na 'Tadhana' ay ang 'Inang Laya,' kung saan gumanap siya bilang Lorna, ang nanay ni Jervic (Jeric Gonzales) na nakalaya matapos ang labinglimang taong pagkakakulong.

advertisement
13 of 15

Regal Studios Presents 

Noong 2021, tampok si Snooky sa 'Anyare Sa 'Yo' episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents' kasama sina Sparkle stars Jak Roberto at Rita Daniela.

Gumanap ang renowned actress bilang ang stage mother na si Luz, na todo push pa rin para sa career revival ng kanyang anak na si Baby Girl (Rita Daniela), na dating sikat na child star.

14 of 15

Underage

Binibigyang buhay ni Snooky ang kontrabida role bilang Velda Gatchalian, ang asawa ni Dominic (Christian Vasquez), sa coming-of-age series na 'Underage.'

Dahil galing si Velda sa maimpluwensyang pamilya, siya ang rason kaya nasa pulitika ang kanyang asawa. Sa kabila ng pagiging matapobre, isang overprotective na ina si Velda sa kanyang mga anak kaya walang takot na gumaganti siya sa lahat ng mga nang-aagrabyado sa kanilang pamilya.

15 of 15

A different role

Nagbabalik si Snooky sa isang naiibang karakter sa 'Underage.' Matatandaan na naging bahagi ang seasoned star sa original cast ng cult classic film na 'Underage' noong '80s kasama sina Dina Bonnevie at Maricel Soriano.

advertisement