Showbiz News

Julie Anne San Jose on handling bashers: 'Block lang ng block. Ignore lang ng ignore.'

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Simula nang inilabas ni Julie Anne San Jose ang kanyang mga sexy photos sa kanyang Instagram account, nagsimula ang usap-usapan na nagpapa-sexy umano siya para matigil na ang tsismis na isa siyang lesbian.
 
"I just want to be fit. Wala po talaga eh, wala naman po akong magagawa kung 'yun po ang iisipin ng mga tao sa akin kasi hindi ko naman po hawak ang pag-iisip ng mga tao 'di ba? So I really have no control."
 
Dagdag ni Julie, "Kasi wala talaga akong magagawa sa mga ganitong mga bagay at sa ganoong klaseng tao. Kasi sila, sila 'yung parang humahanap ng butas to put you down."
 
Ayon kay Julie, hindi na niya pinapatulan ang mga negative comments na nababasa niya sa kanyang mga accounts sa social media. 
 
"Block lang ng block. Ignore lang ng ignore."
 
Pahayag ni Julie, "Kapag iniisip ko 'yung mga bagay na ganyan, the more na parang mafi-feel down ka. So instead, iti-take mo 'yun as a thrill or as a challenge para mas lalo mong pagbutihin pa kung ano 'yung ginagawa mo, 'di ba?"
 
Support from her fans umano ang kanyang pinanghahawakan para magkaroon ng positive outlook kahit na negative na kuwento ang ibinabato sa kanya.
 
Aniya, "Siyempre 'yang mga bashers na 'yan, wala 'yan. Basta isipin mo na lang na mas maraming mga supporters ang nagmamahal talaga sa 'yo."
 
Isa pang ibinabato sa kanya ay wala pa umano siyang boyfriend dahil isa siyang lesbian.
 
"Parang ilang beses na ring natatanong sa akin, tapos nai-issue daw ako na parang [lesbian ako]. E hindi mo naman kailangan ng guy para masabihan kung lesbian ka. I mean it's not about gender. It's about being a reserved person."
 
Sa ngayon, hindi pa priority ni Julie ang kanyang buhay pag-ibig.
 
Pahayag niya, "Hindi ko pa mabigyan ng oras. Hindi ko pa priority."