advertisement
Showbiz News

All of Barbie Forteza's 25 Kapuso teleseryes

1 of 26

Barbie Forteza

Patuloy na namamayagpag ang career ni Barbie Forteza bilang Kapuso Primetime Princess. Balikan natin ang ilan sa kanyang mga Kapuso serye na ginawa simula noong 2009.

2 of 26

'Stairway to Heaven'

Ang 'Stairway to Heaven' ay ang romance drama kung saan gumanap si Barbie bilang young Jodi. Ang karakter na Jodi ay ginampanan rin ni Rhian Ramos sa South Korean drama adaptation.

3 of 26

'First Time'

Gumanap naman si Barbie na Cyndi sa seryeng 'First Time.' Ipinalabas ito taong 2010 at nakasama niya rito sina Joshua Dionisio at Jake Vargas.

advertisement
4 of 26

'Pilyang Kerubin'

Taong 2010 rin ipinalabas ang seryeng pinagbidahan ni Barbie na 'Pilyang Kerubin.' Napanood si Barbie sa Telebabad drama series bilang si Charity.

5 of 26

'Reel Love Presents: Tween Hearts'

Nakasama si Barbie sa drama romance series na 'Reel Love Presents: Tween Hearts' noong 2010. Kasama niya sa seryeng ito sina Joshua Dionisio, Bea Binene, Jake Vargas, at iba pang Kapuso teen stars.

6 of 26

'Jillian: Namamasko Po'

Napanood rin ang Sparkle actress sa drama series na 'Jillian: Namamasko Po' noong 2010.

advertisement
7 of 26

'Nita Negrita'

Taong 2011 bumida naman si Barbie sa seryeng 'Nita Negrita.' Siya ay gumanap bilang Antoinette/ Nita Raymundo o Nita Negrita.

8 of 26

'Ikaw Lang ang Mamahalin'

Noong 2011, ipinalabas din ang seryeng 'Ikaw Lang ang Mamahalin' kung saan nakasama ni Barbie sina Joshua Dionisio, Kristoffer Martin, at Joyce Ching.

9 of 26

'Luna Blanca: Ang Ikalawang Yugto'

Sunod-sunod pa rin ang naging proyekto ni Barbie noong 2012. Isa rito ang 'Luna Blanca: Ang Ikalawang Yugto' kung saan gumanap siya bilang Blanca.

advertisement
10 of 26

'Paroa: Ang Kwento ni Mariposa'

Sa 'Paroa: Ang Kwento ni Mariposa' ginampanan ng Kapuso star ang lead role na Mariposa De Guzman o Princess Aira.

11 of 26

'Anna Karenina'

Isa sa mga inabangang proyekto ni Barbie ay ang remake ng 'Anna Karenina.' Si Barbie ay napanood bilang Karen na dating ginampanan ni Sunshine Dizon noong 1996.

12 of 26

'Genesis'

Napanood naman si Barbie sa 'Genesis' bilang Faith noong 2013. Nakatrabaho niya rito sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

advertisement
13 of 26

'The Half Sisters'

Isa sa mga tinutukang serye sa GMA Network ang serye nina Barbie at Thea Tolentino na 'The Half Sisters.' Namayagpag ito sa telebisyon taong 2013 hanggang 2016.

14 of 26

'Dangwa'

Napanood bilang guest star ng 'Dangwa' si Barbie noong 2015. Nakasama niya rito si Ruru Madrid.

15 of 26

'That's My Amboy'

Tinutukan naman ang karakter ni Barbie na Maria Rosario "Maru" Carreon Tapang sa 'That's My Amboy' noong 2016.

advertisement
16 of 26

'Meant to Be'

Nagpakilig naman si Barbie sa kanyang karakter na Maria Belinda "Billie" Bendiola noong 2017. Nakatambal niya sa proyektong ito sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj, at Ivan Dorschner.

17 of 26

'My Love from the Star'

Naging guest naman si Barbie sa remake ng South Korean series na 'My Love from the Star' noong 2017. Bida sa seryeng ito sina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.

18 of 26

'Super Ma'am'

Napanood si Barbie 'Super Ma'am' noong 2018 bilang mermaid na si Pearly.

advertisement
19 of 26

'Inday Will Always Love You'

Bumida si Barbie sa drama romance comedy series na 'Inday Will Always Love You' bilang Happylou noong 2018.

20 of 26

'Kara Mia'

Trending sa social media ang seryeng pinagbidahan nina Barbie at Mika Dela Cruz na 'Kara Mia' noong 2019.

21 of 26

'Love You Two'

Gumanap si Barbie na Venus sa 2019 Kapuso serye na 'Love You Two.' Ang 'Love You Two' ay pinagbidahan naman nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

advertisement
22 of 26

'Anak ni Waray vs. Anak ni Biday'

Nagpakita ng husay si Barbie sa kaniyang pagganap bilang Ginalyn sa remake ng 'Anak ni Waray vs. Anak ni Biday' noong 2020. Nakasama niya sa seryeng ito sina Kate Valdez, Snooky Serna, Dina Bonnevie at marami pang iba.

23 of 26

'Heartful Café'

Sa 'Heartful Café' napanood si Barbie bilang Corazon o Cors. Gumanap siya bilang girlfriend ni Ace, ang karakter na ginampanan naman ni David Licauco.

24 of 26

'I Can See You: The Lookout'

Taong 2021, hinangaan ang galing ni Barbie bilang Emma sa 'I Can See You: The Lookout.'

advertisement
25 of 26

'Mano Po Legacy'

Na-excite si Barbie nang maging parte siya ng 'Mano Po Legacy' noong 2022. Ani Barbie, "I am so thrilled to announce that yes, I am part of the very first Mano Po teleserye entitled Mano Po Legacy: The Family Fortune together with the amazing cast and under the collaboration of the two pillars of Philippine Entertainment Industry: GMA @gmanetwork & Regal Entertainment Inc. @regalfilms50"

26 of 26

'Maria Clara at Ibarra'

Isa sa mga tinutukan at minahal ng mga manonood ang karakter ni Barbie na Klay sa 'Maria Clara at Ibarra.' Dito rin kinakiligan ang kanilang tambalan ni David na gumanap naman bilang Fidel.