Sofia Pablo and Allen Ansay at the 2nd-day taping of 'In My Dreams'

Tuloy-tuloy na ang taping ng inaabangang bagong digital series ng GMA Public Affairs na 'In My Dreams' kasama ang next generation leading lady at leading man na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Ang ilang episodes ng series ay kinunan sa Los Baños, Laguna, partikular na sa nostalgic campus dito ng University of the Philippines.
Reunited din dito sina Sofia at Allen sa kanilang 'Luv Is: Caught in His Arms' co-stars na sina Cheska Fausto at Tanya Ramos.
Makakasama rin nila rito ang Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Juancho Trivino.
Silipin ang behind-the-scenes photos ng kanilang ikalawang taping sa gallery na ito.



















