BTS PHOTOS: Sofia Pablo and Allen Ansay-starrer 'In My Dreams' first taping day

Nagsimula na ang taping para sa inaabangang digital series ng GMA Public Affairs na pinamagatang In My Dreams tampok ang this generation's 'Most Promising Loveteam' na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Sa isang viral na cafe sa Binangonan, Rizal ang napiling location ng produksyon para sa ilang mga aabangang eksena sa nasabing serye kung saan makikita rin ang majestic view ng Laguna De Bay.
Bukod sa pagiging naturally aesthetic ng lokasyon, tiyak na magiging bago rin sa paningin ng mga manonood ang execution at kabuuan ng serye.
Silipin ang behind-the-scenes photos sa first day ng taping ng In My Dreams sa gallery na ito.










