Showbiz News

Fernando Carillo ng 'Rosalinda,' gustong gumawa ng pelikula kasama si Manny Pacquiao

By MARY LOUISE LIGUNAS


Nasa bansa ang nakatambal ni Thalia sa hit Mexican telenovela na Rosalinda. Ang 45-year-old Venezuelan actor na si Fernando Carillo ay masayang bumalik ng Pilipinas sa ikatlong pagkakataon.

Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa Saksi, gusto ni Fernando na gumawa ng pelikula kasama si Manny Pacquiao. Interesado rin siyang gumawa ng teledrama kasama ang mga Pilipinong artista.

Maganda rin ang pagtanggap niya sa Rosalinda remake ng GMA na pinagbidahan ng dating magkasintahan na sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana. Bukas rin siya sa posibilidad na makatrabaho ang dalawa sa isang proyekto.

“It would be an honor… Acting in a country like this that’s been so important in my life and acting with younger generations [is] rewarding,” sabi niya.

May espesyal na lugar sa puso ni Fernando ang Pilipinas at natutuwa siyang makabisita muli.

“[This] country has given me so much love throughout the years. I love you Philippines. Always in my heart. Mabuhay,” sinulat niya sa kanyang Instagram.