Rising P-Pop groups to watch for

Patuloy ang pamamayagpag ng Pinoy pop music sa bansa dahil sa laki ng impluwensya ng musika ng K-Pop at J-Pop sa mga Pinoy.
Sa paglipas ng panahon, nag-evolve na rin ang OPM genre na ito dahil sa pinaghalong tunog ng contemporary pop, hip-hop, rock, EDM, at iba pa.
Kinikilala ito ngayong P-Pop na inspired sa modern "idol" culture mula sa mga banyagang bansa partikular na sa South Korea kung saan nagmula ang ilan sa mga highly successful at in-demand K-Pop groups ngayon.
Mainit ding tinanggap ng Filipino fans and listeners ang sariling Pinoy pop music o P-Pop groups ng bansa gaya ng SB19, BINI, at BGYO na sumisikat na rin abroad dahil sa kanilang mga nakakaaliw na performance kung saan pinapamalas nila ang kanilang talento hindi lang sa pag-awit, kundi rin sa pagsayaw.
Sa pag-angat ng P-Pop, marami-rami na ring grupo ang nabuo para mag-pursue ng career sa P-Pop music scene.
Narito ang ilang budding P-Pop groups na lumalawak na rin ang fanbase ngayon.














