Showbiz News

Stepfather ni Jiro Manio, may pakiusap sa mga kaibigan ng kanyang anak sa showbiz

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Kumakalat ngayon sa social media ang ilang litrato at videos ng dating child wonder na si Jiro Manio na natagpuang palaboy-laboy sa NAIA Terminal 3 kamakailan.
 
 
Ayon sa report ng 24 Oras, apat na araw raw nanatili ang dating aktor sa airport at tinulungan lang siya ng mga empleyado ng NAIA Terminal 3 para makakain. Ayaw rin daw itaboy ng airport police si Jiro dahil natatakot sila na mas mapahamak
pa siya.
 
Ipinatingin na rin ng airport staff si Jiro sa isang psychologist at maayos naman daw siyang nakakausap ng doktor. Ayaw na raw bumalik ni Jiro sa kanilang bahay noong inaya siyang umuwi ng doktor.
 
LOOK: Then and Now: Jiro Manio
 
Nakapanayam ni Nelson Canlas ang stepfather ni Jiro na si Andrew Manio. Ayon sa kanya, posible raw na nag-iiba ang isip ngayon ng anak dahil matagal na raw siyang hindi nakakainom ng maintenance na gamot na nagkokontrol sa epekto ng kanyang drug use noon. Pero linaw ni Andrew, matagal nang hindi gumagamit ng bawal na gamot ang anak. 
 
Sinubukang sunduin ni Andrew si Jiro sa airport Martes ng gabi pero tumanggi raw siyang sumama sa ama. Kaninang umaga lang daw ay kumpirmado nang umalis si Jiro sa NAIA Terminal 3.
 
Dahil nahihirapan na rin sa sitwasyon, hinihiling ni Andrew na tulungan siya ng mga kaibigan ni Jiro sa showbiz para makita at maging maayos na rin ang lagay
ng anak.

RELATED ARTICLES: 

READ: Ai-ai Delas Alas finds Jiro Manio, promises to help him
 
READ: Aiai Delas Alas begins search for former co-star Jiro Manio