Inilabas na ang official music video ng Ben&Ben para sa cover nila ng hit song na "The Way You Look At Me" na pinagbidahan ng hottest Kapuso loveteam na sina Barbie Forteza at David Licauco.
Walong oras mula nang mai-post ng Universal Records ang naturang music video ay agad itong umani ng mahigit 100,000 views sa YouTube.
Talagang namang maraming nag-abang sa nakakakilig at emotional na music video na ito nina Barbie at David, na nag-trend sa Twitter Philippines at kasalukuyang mayroong mahigit 73,400 tweets ang hashtag na "BarDaTWYLAMMV."
Nakasama rin nina Barbie at David sa music video si Sparkle actress Shuvee Etrata, na gumanap bilang ex girlfriend ng aktor, at ang original singer ng naturang kanta na si Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista.
Narito ang iba't ibang reaksyon ng netizens sa "The Way You Look At Me" music video.
"Grabe 'yung story," sabi ni @DavidTroopsOFC. Hiling nito na maipagpatuloy ang kuwento ng music video sa isang pelikula.
Para kay @TheBarbieFan, ramdam na ramdam niya ang pagiging "genuine" ng mga tinginan, ngiti, at koneksyon nina Barbie Forteza at David Licauco sa music video ng "The Way You Look At Me."
"Aside from the magic that they share together, BarDa has this unfathomable pull that'll make you also want to fall in love or believe in love again. That's how much power they hold," sabi ni @itinangi matapos mapanood ang "The Way You Look At Me" music video.
Dahil sa "ganda" ng buong video, hindi naiwasang mabitin ni @escapingthought. Sabi niya, "Bitin but I guess that's the whole point of BarDa as a pair. You always crave for more."
Ibinahagi rin ni @itinangi ang pagkamangha sa pagkakasulat ng kuwento para sa music video ng "The Way You Look At Me." Aniya, "Isn't it so beautiful how in the story it was Barbs who was given the pair of eyes but it was David who started seeing things again--now in a different light because of her."
Napuno ng papuri si @fidelitism sa mahusay na pagganap ni David Licauco sa kanyang karakter sa music video ng "The Way You Look At Me."
Para kay @ironswasp, ang kabuuhan ng music video--"story, twist, acting, at delivery" ay nag-uumapaw sa chemistry nina Barbie Forteza at David Licauco. Sabi niya, "The amount of different emotions I felt in the span of seven minutes is insane. Truly did not disappoint!"
Halo-halong emosyon ang naramdaman ni @itinangi nang mapanood ang music video ng "The Way You Look At Me."
Ramdam na ramdam ni @2o1542 ang sakit habang pinapapanood ang emotional scenes na ito ng music video.
Nagustuhan ni @buwan_at_hiraya kung paanong ipinakita sa music video ang pakiramdam ng "lost" at "doubt" sa pagkakataon na umibig muli.
Ibinahagi ni @nyxazrl ang naging kuwento ng "The Way You Look At Me" na aniya, "Lakas maka-'You brought colors into my world' naman pala.'
Ipinakita ni @theweekislong ang paboritong parte niya sa music video ng "The Way You Look At Me." Ito ay nang takpan ng mga kamay ni Barbie Forteza ang mga mata ni David Licauco at sabihing, "Siya pa rin ba 'yung nakikita mo?"
Hindi naiwasang maging "proud" ni @ilydasl sa mga ipinakitang emosyon ni David Licauco sa music video ng "The Way You Look At Me."