Showbiz News

Ilang Kapuso, hinirang na 'most trusted' ngayong taon

By MARAH RUIZ
 
Wagi ang ilang Kapuso personalities sa katatapos lang na 2015 Reader's Digest Trusted Brand Awards na ginanap noong June 30 sa Marco Polo Hotel
sa Ortigas, Pasig.
 
Kasama rito si State of the Nation anchor at Kapuso Mo Jessica Soho host Jessica Soho na pinarangalan bilang Most Trusted News Presenter sa panlimang sunod na pagkakataon.
 
"Lagi kong iniisip na napakalaking bagay ng tiwala or trust, kaya para sa akin, isa itong malaking responsibilidad na kailangan mong patunayan na you're worthy of the trust. That is why I'm thankful, but at the same time, naiisip ko rin na dapat conscious ako lagi kung ano ang role ko as a journalist. Makakaasa po kayo na patuloy naming pagsusumikapan na ihatid ang mga balitang kailangan ninyong malaman sa ngalan ng serbisyong totoo," bahagi ni Jessica sa GMA News. 
 
Hinirang naman si Eat Bulaga host Vic Sotto bilang Most Trusted Entertainment Presenter.
 
Nakamit naman ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang Most Trusted Sports Personality award. 

Nakuha rin ng GMA Network ang Gold Award para sa Most Trusted TV Network category. Tinanggap naman ni GMA AVP for Corporate Affairs Teresa Pacis ang nasabing award. 
 
"Makakaasa po sila na 'yung tiwala nila ay hindi natin isasawalang-bahala, bagkus pagyayamanin pa po natin ito,” ayon dito. 
 
Video courtesy of GMA News