Showbiz News

Alamin ang laman ng mahiwagang kahon sa 'Explosion of Dragon Punch'

By MARAH RUIZ


 
Nang iligtas nina Gohan at Videl ang isang matandang lalaking nagtatangkang tumalon mula sa isang tulay, bibigyan sila nito ng isang mahiwagang kahon na naglalaman ng makapangyarihang nilalang.
 
Magpapakilala ang matanda sa kanila bilang si Hoi, at ibabahagi niya sa dalawa na ang laman ng kahon ay si Tapion—isang mandirigmang dapat nilang palayain para protektahan ang mundo mula sa parating na panganib. 
 
Susubukan ni Gohan na buksan ang kahon ngunit hindi siya magtatagumpay. Ipapasa niya ito sa kanyang amang si Goku, ngunit hindi rin niya ito mabubuksan. Imumungkahi ni Hoi na lipunin nila ang mga Dragon Balls para hilingin kay Shenron na buksan ang kahon. 
 
Magtatagumpay naman sila sa kanilang hiling kay Shenron. Ngunit nang makawala si Tapion sa kahon, galit nitong hihilinging ibalik na lamang siya sa kanyang pinanggalingan!
 
Sino si Tapion? Tunay ba siyang kakampi o isang malakas na kalaban? Ano ang tunay na motibo ni Hoi sa pagpapalaya sa kanya?
 
Alamin sa Dragon Ball Fight! Presents Explosion of Dragon Punch. Panoorin ang unang bahagi sa July 4, pagkatapos ng Cross Fight B-Daman at ang pagpapatuloy nito sa July 5, pagkatapos ng Pac-man and the Ghostly Adventures, dito lang sa GMA Astig Authority!