Showbiz News

Jiro Manio, hindi pa rin umuuwi sa kanila

By CHERRY SUN
 
Madaling araw ng Huwebes, July 2, nang inihayag ni Aiai Delas Alas na nahanap at nakausap na niya ang dating aktor na si Jiro Manio matapos magpalaboy-laboy ito sa NAIA Terminal 3 ng ilang araw.
 
READ: Aiai Delas Alas finds Jiro Manio, promises to help him
 
Nakaalis man sa NAIA 3 ay hindi pa rin daw ito umuuwi sa kanilang bahay
sa Cainta.
 
“Hindi pa po siya nakabalik dito pero ang pagkakaalam ko nasa Mandaluyong siya, doon sa dating teacher niya noong high school siya. Siya kasi ang naka-convince na maiuwi siya at maialis sa NAIA 3,” pahayag ni Andrew Manio, ang adoptive father ni Jiro, sa panayam ng 24 Oras.
 
Aniya, nagkaroon daw sila ng alitan kaya umalis si Jiro. Maliban dito ay tila nade-depress din daw ito dahil sa kawalan ng trabaho.
 
Ayon din sa parehong ulat, mula nang maka-graduate si Jiro ng high school noong 2012 ay naging laman lamang ito ng kanilang bahay.
 
“Sa palagay ko, wala na po akong pagkukulang kay Jiro. Ibinigay ko po ang lahat, kaya lang po naging ganyan... depressed ‘yang si Jiro,” patuloy niyang pahayag.
 
Ulila na sa ina si Jiro habang inabandona naman siya ng kanyang biological father na Hapon. Siya ay naging isang batang ama sa murang edad na 15 taong gulang. Nailayo ang dalawa niyang anak mula sa kanya at pinalaki sa probinsya.
 
Nakadalawang beses na rin pumasok sa rehab si Jiro ngunit paglilinaw ni Andrew ay tumigil na ito sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
 
“Mula nung bata ‘yan malambing ‘yan, mapagmahal na bata sa ama. Para sa akin, masakit na masakit pong nakikita kong nagkaganyan na si Jiro, sambit nito.
 
Then and Now: Jiro Manio
 
Maliban kay Aiai ay nagpahayag na rin ng pagnanais na tumulong si Marvin Agustin na nakatrabaho rin ng dating aktor sa Ang Tanging Ina. Ulat ng 24 Oras ay idudulog na si Jiro sa atensyong medical sa lalong madaling panahon.
 
READ: Stepfather ni Jiro Manio, may panawagan sa mga kasamahan ng anak niya sa showbiz