Showbiz News

Kapuso Primetime Queen Marian Rivera guest sa ‘Pepito Manaloto?’

By AEDRIANNE ACAR

 
Ito na ang pinakahihintay ninyong tambalan, dahil magsasama ang dalawang bigatin ng GMA-7! 
 
Mapapanood ninyo sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at tinaguriang Kapuso Comedy King, Michael V, sa isang star-studded episode ng ‘Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento’ ngayong Sabado, July 4. 
 
Makikita muli ni Robert ang ex-girlfriend niya na si Melissa ng dalhin niya si Berta sa health center para ipacheck-up ang buntis. 
 
Kaso paghihinalaan ni Berta si Robert dahil buntis din itong si Melissa  at pakiramdam niya  na ang dinadala nito ay kay Robert.
 
Wow! Double trouble ‘to para sa guwapong driver!
 
Ito namang si Tommy may ibebentang “Wonder Coffee” na hindi lang daw pampatalas ng utak, pampa-beauty at pampasigla din. Kaso ng subukan ng mga ka-opisina ni Pepito at pati na ni Elsa, may matinding side effect ang not-so-wonderful coffee.
 
LOOK: Marian Rivera spotted on the set of ‘Pepito Manaloto’ 
 
Samahan ninyo ang buong Manaloto family at pagbabalik comedy ng Kapuso Primetime Queen sa “Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento”  ngayong Sabado, pagkatapos ng “Sabado-badoo” sa Kapuso Network.