Showbiz News

Kristoffer Martin on Joyce Ching: 'Gusto niya, 'pag papasok kami ulit sa relationship, stable na'

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

May pag-asa pa kayang magkabalikan ang ex-couple at kapwa Healing Hearts stars na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching?
 
"Gusto niya [Joyce], 'pag papasok kami ulit sa relationship, stable na," pahayag ni Kristoffer.
 
At kung sakaling magkakabalikan daw silang muli, sisiguraduhin daw nilang sobrang seryoso na ang tatakbuhin ng relasyon nila. "Aminin natin, bata pa kami nag-start. Kumbaga, makikita mo 'yung difference from before sa ngayon na 'yung demand ng partner mo, ay kaya mo nang i-supply," ani Kristoffer.
 
LOOK: 9 showbiz ex-couples who remained good friends
 
May mga pagkakataon din daw na napag-uusapan nila ni Joyce ang mga mali nila noon at nare-realize nila na kaya na nilang solusyonan kung magiging sila ulit.
 
READ: Kristoffer Martin, umaming  may feelings pa rin kay Joyce Ching
 
"Friends kami ngayon eh. Ang nawala lang is 'yung commitment namin sa isa't-isa. In terms of care, nariyan pa rin naman eh. Kumbaga nasa sa 'min na siguro 'yung cue kung magkakabalikan kami," pagtatapos ni Kristoffer.