Showbiz News

Marian Rivera, hindi puwedeng pumunta sa checkup nang wala si Dingdong Dantes

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Kahit na busy si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang showbiz commitments ay sinisigurado niyang nagagampanan niya ang role bilang asawa ni Marian Rivera.
 

Kuwento ni Marian sa kanyang interview sa Tonight With Arnold Clavio, hindi raw puwedeng hindi kasama si Dingdong tuwing magpapa-checkup siya sa kanyang Ob-Gyne.
 
"Hindi akong pumupunta [sa] Ob-Gyne nang wala siya. Ayaw niya nang hindi [siya kasama] eh," pagtukoy ni Marian sa Pari 'Koy star.
 
Ayon kay Marian, kung may conflict daw ang schedule ng kanyang checkup sa trabaho ni Dingdong ay nag-a-adjust ang kanyang asawa. "Magpapaalam siya sa taping niya, sasamahan niya ako or talagang gagawa talaga kami ng schedule para palagi siyang kasama," ani Marian.
 
READ: Marian Rivera, ine-expect na kamukha ni Dingdong Dantes ang magiging anak
 
Bahagi pa niya, hindi raw talaga nagkukulang si Dingdong sa pag-aalaga sa kanya at sa kanilang baby girl. "Wala akong masasabi kasi si Dong 'yung tipo na gumigising para alalayan talaga ako. So every time 'yan na may gusto akong pagkain, talagang nariyan talaga siya." anang Kapuso Primetime Queen.
 
READ: Dingdong Dantes, naghuhugas ng pinggan para kay Marian Rivera