Showbiz News

Ciara Sotto celebrates birthday with Sotto family

By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Nagkaroon ng isang masayang birthday celebration kahapon, July 2, si Ciara Sotto kasama ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.
 
Sa isang Instagram post nagpahayag ng pasasalamat si Ciara sa lahat ng kanyang nakasama sa kanyang birthday celebration.
 
"Thank You Lord for today :-) Thanks to all those who greeted me! And to those who celebrated this special day with me! You know who you are. I love you all dearly."
 
 
Ilang larawan pa ang ipinost ni Ciara kung saan ipinakita niya ang ilan sa kanyang mga pamilya at kaibigan na dumalo sa kanyang kaarawan tulad nina Danica Sotto-Pingris, Megastar Sharon Cuneta, Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa. 
 
 

Dahil nakilala si Ciara bilang isa sa mga talented na pole dancers, isang nakakatuwang birthday cake ang kanyang natanggap.
 
Aniya, "Don't you just love my cake?! :-) hehe! Thank you @tazzycakesph"