Sofia Pablo and Allen Ansay on the last day of taping of 'In My Dreams'

Tapos na ang taping sa inaabangang digital series ng GMA Public Affairs na 'In My Dreams' na pinagbibidahan ng tinaguriang this generation's Most Promising Loveteam na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Tiyak na magiging kaabang-abang ang mga eksena sa naturang serye dahil sa iba't ibang location nito. Mula sa isang viral cafe at campuses ng University of the Philippines sa Diliman, Quezon City at Los Baños, Laguna, nagtapos ang taping ng naturang series sa isang isla.
Bukod sa Sparkle stars na kabilang sa cast, aabangan din ang cameo roles ng ilang sikat na online content creators sa series.
Silipin ang behind-the-scenes photos sa last day of taping ng 'In My Dreams' sa gallery na ito.











