Showbiz News

'Motorcycle Diaries' presents 'Jobs on Wheels'



Ngayong Huwebes (July 9) haharurot ang mga trabahong de motorsiklo! 
 
Hindi na kailangang lumayo para bumili ng pagkain, kagamitang pambahay o anuman ang iyong kailangan dahil sa tulong ng motorsiklo ang mga produkto na mismo ang ilalapit sa 'yo! At bukod kay Jay Taruc, ang Kapuso heartthrob na si Mark Herras ang mismong magmamaneho ng motorsiklo para magdala ng mga produkto sa inyo.
 
Agaw pansin ang isang tindero ng buko juice sa bayan ng Baliuag sa probinsiya ng Bulacan. Dahil ang kanyang tindahan, isang bahay kubong karga ng motorsiklo! Mas malayo naman ang nararating ng mga Viajero sa paglalako ng rattan at samu’t saring native products sa bayan ng Plaridel. Karaniwang nakakarga ang kanilang mga produktong itinitinda sa karetelang hila-hila ng kalabaw o kabayo. Pero ang kakaiba sa tindahang ito ng viajero... de motor!  
 
At para naman patunayang hindi lang panglibangan at puwede ring pangkabuhayan ang motorsiklo, sasamahan tayo ng binansagang bad boy ng dance floor… ang Kapuso heartthrob na si Mark Herras! Susubukan niyang imaneho ang mga negosyong de motorsiklo – ang panaderyang de gulong at vegetable rolling store! Tutulungan niya ring mamasada ng tricycle ang isang ulirang ina na solong nagtataguyod ng mga anak at apo. 
 
Angkas na sa isang natatanging biyahe ngayong Huwebes, July 9 at 10 pm sa 2015 New York Festivals Bronze World Medalist --- MOTORCYCLE DIARIES sa GMA NEWSTV Channel 11!