Showbiz News

Anak nina Nonie at Shamaine Buencamino, patay matapos umanong bawiin ang sariling buhay

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Humaharap ngayon sa matinding pagsubok ang veteran theater actors at Kapuso stars na sina Nonie at Shamaine Buencamino matapos magpakamatay umano ang kanilang anak na si Julia Louise Buencamino nitong Martes ng gabi.

LOOK: 7 things we will miss about young actress Julia Louise Buencamino
 
 
Ayon sa ulat ng Balitanghali, natagpuan ng kasambahay ng mga Buencamino si Julia sa kanilang bahay sa Quezon City. Agad daw isinugod ang 15 taong gulang na aktres sa ospital ngunit idineklara siyang dead on arrival.
 
Nagbahagi ang netizens ng kanilang pakikiramay sa mga Buencamino sa pamamagitan ng pag-post ng comments sa Instagram account ni Julia.