Showbiz News

Charice Pempengco, umaasang maisabatas ang same-sex marriage sa Pinas

By CHERRY SUN

Matapos gawin legal ang same-sex marriage sa lahat ng estado sa America, umaasa si Charice Pempengco na maisasabatas din ito dito sa Pilipinas.



Wika ng international singing sensation, “Time will come that they will realize hindi na dapat maging issue na ‘Kailangan bang magkaroon ng “same-sex marriage”?’ Hindi, kailangan marriage lang.”

Kailan kaya nila planong magpakasal ni Alyssa?

“Gusto namin ‘yung okay na lahat,” maiksing pahayag ni Charice.

“Darating naman po doon, pero hindi pa po siguro ngayon,” dugtong naman ng kanyang girlfriend.

Video courtesy of GMA News