Showbiz News

Jaya, gaganap bilang Corazon sa 'Marimar'

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Sino ang makalilimot sa nakakatawang sidekick ni Marimar na si Corazon? Kung dati ay si Manilyn Reynes ang gumanap dito, ngayon naman ay bibigyang-buhay ito ni Asia's Queen of Soul Jaya.
 
I-expect na raw ng manonood na ibang-iba si Corazon ngayon dahil ibang treatment ang gagawin ni Jaya at ng director ng upcoming Telebabad soap na si Dominic Zapata. "Kailangan ko muna talaga siyang i-research, and then at the same time, I'll have to ask Direk Dom kung ano'ng gusto niyang Corazon," pahayag ni Jaya.
 
Kuwento ni Jaya, excited din daw siya dahil makakatrabaho niya si Miss World 2013 Megan Young. "Excited ako kasi makakatrabaho ?ko talaga nang matagal si Megan. And like what Direk Dom said, talagang we're all doing the best that we can for the show and at the same time, build a friendship within the circle. 
 
READ: Megan Young is the next 'Marimar'
 
Ano'ng dapat abangan kay Jaya at sa Marimar? "'Yung tawanan, biruan, so sana po abangan niyong lahat ang Marimar. It's going to be very exciting," sagot niya.
 
Talaga raw pinaghihirapan nila ang second Filipino adaptation ng Marimar para maganda ang kalabasan nito. "Medyo demanding talaga kasi malayo ang location. That's where I'm kind of hoping and praying na sana malapit nang kaunti 'yung beach. But we are going to do the best that we can, whether it's far or near, we just want to do a fun show," pagtatapos ni Jaya.