Showbiz News

Sing-off battle: Jonalyn Viray vs. Derrick Monasterio

By AEDRIANNE ACAR

 
Mas kapana-panabik ang Linggo ng gabi sa Vampire Ang Daddy Ko dahil isang sing-off contest ang magaganap at kasali ang resident heartthrob na si Derry (Derrick Monasterio).
 
Ang problema magaling ang makakalaban ni Derry, ang security guard na si Doray! Manalo kaya si Derry sa powerful voice ni Doray (Jonalyn Viray) o mag-back out na lang ng tuluyan ang binata?
 
Desidido naman si Diva (Allan K)  na maging good vampire kaya bibigyan siya ng pagkakataon ni Daddy Vlad (Oyo Boy Sotto). Pero sina Vava (Glaiza de Castro), gagawin ang lahat para hindi tumiwalag ang beki vampire at mas piliin pa rin nito na suminghot ng mga taong may magagandang boses.
 
READ: Why are the ‘Vampire Ang Daddy Ko’ stars clapping for Glaiza de Castro?
 
Tutukan this July 12 ang espesyal na handog ng Vampire Ang Daddy Ko pagkatapos ng 24 Oras Weekend dahil guest celebrity ngayong Linggo ang Sunday All Stars diva na si Jonalyn Viray!