Showbiz News

Polo Ravales, nagri-recover na mula sa kanyang back surgery

By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Sa panayam ni Polo Ravales sa Startalk ibinahagi niya ang kanyang pinagdaanang back surgery dahil sa slipped disc.
 
"I was in pain, kasi [June] 27 nangyari 'yun, [June] 29 inoperahan na ako eh. [June] 27-28 puro painkiller 'yung sinasaksak as akin."
 
Ayon kay Polo, naramdaman niya ang sakit nang siya ay naghahanda para sa premiere night ng kanyang indie film at nataon pa ito sa kanyang 33rd birthday. Aniya "Noong birthday ko, although mayroon akong premiere night ng indie movie na ginawa ko. So nag-prepare ako, naligo ako parang lalo siyang pumasok 'yung ugat. Siguro sa workout ko din, pumasok 'yung ugat sa may buto."
 
Dagdag ni Polo, "'Yung muscles ko parang nag-constrict eh. Mga two weeks before, parang may na-feel na akong umiipit na ugat sa balakang ko pero hindi ko pinapansin, akala ko simpleng ipit lang."
 
Ayon sa mga doktor ni Polo, hindi na siya kinakailangan pang lagyan ng titanium nang siya ay operahan.
 
"Hindi na nilagyan [ng titanium], sabi ng doctor kasi okay naman daw 'yung bones so ang ginawa lang is tinanggal lang 'yung umipit na ugat doon sa disc ng lower back ko."
 
Makaka-recover daw ang aktor matapos niyang sumailalim sa mga therapy. Pahayag ni Polo, "Makaka-recover naman ako sa therapy. One month, gusto ko makapag-work na ako. Kailangan kong i-therapy 'yung legs ko kasi noong umipit 'yung ugat hindi ko siya madidiretso. 'Pag diniretso ko, iumiipit 'yung ugat, sobrang sakit. Umiipit 'yung ugat sa balakang 'pag inaapak ko."
 
Nagpapasalamat ang aktor kina Dingdong Dantes, Sunshine Dizon at Direk Gil Portes sa pagtulong sa kanya. 
 
"Supposed to be actually noong birthday ko, may taping kami ni Sunshine. May guesting kami ni Sunshine sa Love Hotline, hindi ako natuloy. Nabalitaan lang kasi ni Dingdong kay Sunshine eh. Si Sunshine ang unang nakaalam."