Sa edad na 14 ay kahanga-hanga ang talento ng Sparkle Teens star na si Princess Aliyah.
Si Princess ay tinawag na Biritera ng Sparkle Teens. Napanood na rin siya sa iba't ibang programa sa GMA Network tulad ng Magpakailanman, My Special Tatay, Onanay, Daig Kayo ng Lola Ko, at Start Up PH.
Ngayon, kabilang si Princess sa cast ng murder mystery drama na Royal Blood kung gumaganap siya bilang Anne.
Kilalanin natin ang young achiever na si Princess Aliyah dito:
Meet Princess Aliyah, ang talented teen star at aabangan sa GMA Network.
Si Princess ay tinawag na "Biritera" sa kanilang grupo na Sparkle Teens.
14 years old pa lamang ay kinakitaan na ng potensyal si Princess sa musika at pag-arte. Napanood na rin si Princess sa iba't ibang programa sa GMA Network tulad ng 'Magpakailanman, 'My Special Tatay,' 'Onanay,' at 'Daig Kayo ng Lola ko.' Naging young Dani rin si Princess sa 'Start Up PH' na karakter rin ni Bea Alonzo.
Kuwento ni Princess, naging main cast siya ng London West End production na 'The Sound of Music.'
Bukod sa pagiging artista at performer, pangarap din ni Princess na maging piloto.
Ayon kay Princess siya ay competitive, adventurous, at loving.
Abangan ang future projects ni Princess kung saan maipapamalas niya ang kaniyang galing at talento sa GMA Network.
Proud at nagpapasalamat si Princess Aliyah sa oportunidad na mapabilang sa Sparkle Teens ng GMA Network. Ang Sparkle Teens ang pinakabagong artista favorites at soon-to-be big stars ng Sparkle GMA Artist Center.
Bata pa lamang ay isa nang performer si Princess Aliyah. Sa edad na 8, sumali ang young actress sa "Beat The Champion" segment noon ng Eat Bulaga kung saan pinahanga niya ang manonood nang kantahin ang "The Impossible Dream."
Kabilang si Princess Aliyah sa cast ng pinakamalaking suspenserye ngayon sa primetime, ang Royal Blood, kung saan gumaganap siya bilang Anne.