Showbiz News

Anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na si Jada, sasabak na rin sa showbiz

By CHERRY SUN
 
Talent runs in the blood.
 
Totoo ito para sa pamilya nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado dahil ang anak nilang si Jada, magaling din sa pagkanta.
 
Sa panayam ng 24 Oras ay nagpakitang-gilas si Jada sa pag-awit ng mga kantang pinasikat ng kanyang mga magulang. Ginaya rin niya ang istilo ng kanyang ina.
 
Video courtesy of GMA News 

Walang pagtutol sina Jessa at Dingdong sa pagpasok ni Jada sa mundo ng showbiz. Sa katunayan ay guest pa siya sa birthday concert ng kanyang ama na gaganapin sa Teatrino sa August 24.
 
“First of all, I find it quite nerve-racking but still at the same time, it’s more [of] excitement I guess. I’m really excited to sing OPM," pahayag ni Jada.
 
Ipinagmamalaki rin nina Jessa at Dingdong si Jada bilang isang mabait na anak. Dagdag nila, dahil daw ito sa pagpapahalaga nila sa pagkakaroon ng isang masayang pamilya.
 
“God should be in the center. Nag-usap kami na talagang hindi namin puwedeng kalimutan ‘yun,” saad ni Dingdong.
 
“Lagi ko ni-re-remind siya (Jada), sabi ko, ‘Always be humble anak’,” patuloy naman ng Pepito Manaloto actress.
 
Ani Jada, nakakatulong din na best friends ang turing niya sa kanyang mga magulang.