Showbiz News

Julie Anne San Jose, nababahala na rin sa kanyang timbang

By CHERRY SUN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Marami ang nakapansin at humanga sa sexy na pangangatawan ng Asia’s Pop Sweetheart, ngunit ngayon ay ikinakabahala na rin ito ni Julie Anne San Jose.
 
READ: “If you have it, flaunt it” – Julie Anne San Jose on her bikini selfie
 
May mga natanggap na komento si Julie Anne na masyado na siyang payat dahil sa kanyang 22-inch waistline at timbang na 43 kgs, at tila ganito na rin ang nararamdaman niya ngayon.
 
“I’m trying to gain back my weight, [pero] konti lang,” sambit ni Julie Anne sa panayam ng 24 Oras.
 
Maliban sa kanyang healthy plan ay busy rin ang singer-actress para sa kanyang upcoming Afternoon Prime soap na Buena Familia.
 
Aniya, masaya siyang makasama ang mga tinitingala niyang mga artista tulad nina Tessie Tomas, Sheryl Cruz, Angelu de Leon at Bobby Andrews. Maayos rin ang working relationship niya with her Kapuso co-stars na sina Kylie Padilla, Martin del Rosario at katambal na si Jake Vargas.
 
READ: Julie Anne San Jose, confident na magiging effective ang love team nila ni Jake Vargas
 
“Meron daw fans club na JaLie, so Jake and Julie, hanggang sa nagkaroon kami ng project together,” pahayag ni Julie Anne.