Showbiz News

Celebrities, nagkomento tungkol sa nauusong souping detox diet

By CHERRY SUN
 
Kung noong nakaraang taon ay nauso ang juicing detox para makapagbawas ng timbang, sumisikat naman ngayon na soup o sabaw lang ang i-te-take sa loob ng limang araw.
 
Ilang Hollywood celebrities tulad nina Gwyneth Paltrow at Jennifer Anniston ang nag-su-souping detox.
 
Ayon sa ulat ng 24 Oras, mas malasa at nakabubusog ang souping kumpara sa juicing detox. Mura at mabilis din daw ito lutuin dahil gulay ang karamihang ingredient.
 
Hitik man sa sustansya ay ipinapaalala pa rin ng isang nutritionist ang kahalagahan ng balanced diet.
 
Ano kaya ang reaksyon ng ilang Kapuso artists tungkol dito?
 
Bahagi na ng meal ng The Rich Man’s Daughter star na si Rhian Ramos ang soup pero curious pa rin siya subukan ang souping detox.
 
Aniya, “I think it’s healthy naman to cleanse your body with liquids.”
 
Sang-ayon din ang ka-love team ni Rhian na si Glaiza de Castro at ang Beautiful Strangers star na si Benjamin Alves.
 
Wika ni Glaiza, “Kailangan meron kang proper motivation.”
 
“[As long as you can] set goals for yourself and succeed it,” dagdag naman ni Ben.
 
Video courtesy of GMA News