Showbiz News

Dingdong Dantes, binisita si Marian Rivera sa trabaho

By MARY LOUISE LIGUNAS
 
Busy man ang schedule ng Kapuso Primetime King at National Youth Commission commissioner-at-large Dingdong Dantes, ay hindi pa rin siya nawawalan ng oras para pakiligin ang kanyang misis na si Marian Rivera.
 
Kahapon ay nag-taping ang five-months pregnant na Kapuso Primetime Queen para sa kanyang guesting sa Mars. Hindi pinalampas ni Dingdong ang pagkakataon na bisitahin ang kanyang maybahay sa set.


Kasama ring guest ni Marian ang kanyang mabuting kabigan at StarStruck alumna na si Sheena Halili.


Nag-post si Sheena ng kanilang litrato sa kanyang Instagram at binati kung gaano ka-blooming ang kanyang kaibigan na nagdadalang-tao.
 
“Mars taping with Mrs. Dantes. Napaka-gandang buntis naman nito!” saad ni Sheena.