advertisement
Showbiz News

Ang impressive acting career ng Sparkle star na si Therese Malvar

1 of 13

Therese Malvar

Labindalawang taong gulang lamang si Therese Malvar nang mag-umpisa ang kaniyang karera sa show business kung saan una siyang nakilala bilang si Teri. Sa murang edad, ipinamalas na ni Therese ang kaniyang talento sa pag-awit, pagsayaw, at lalo na sa pag-arte.

2 of 13

Best Actress

Sa kaniyang showbiz journey, marami na ring mga karakter ang ginampanan ni Therese Malvar pero ang pinakauna ay ang karakter ni Anita sa independent film na 'Ang Huling Cha-cha ni Anita' kung saan kinilala siya bilang Best Actress.

3 of 13

Jury 

November 2022, naimbitahan si Therese Malvar upang maging isa sa mga hurado ng Tallinn Black Nights Film Festival sa Estonia, Europe.

advertisement
4 of 13

Humbling experience

Ang maging bahagi ng Tallinn Black Nights Film Festival ay isang humbling experience para kay Therese Malvar kung saan nakakilala pa siya ng mga bagong kaibigan at mga taong makatutulong sa kaniya upang mapahusay pa ang kaniyang karera sa pelikula.

“What an amazing and humbling experience. I gained new connections and made amazing friends! One for the books!” saad ni Therese sa kaniyang Instagram post.

5 of 13

Mahusay

Taong 2018 sa isang pambihirang pagkakataon, naka-tie ni Therese Malvar ang kaniyang sarili bilang Best Supporting actress sa dalawang pelikula na kaniyang pinagbidahan na entry sa Cinemalaya Independent Film Festival, ang 'School Service' at 'Distance.'

6 of 13

Pinalakpakan 

Pinalakpakan din ang husay ni Therese Malvar sa New York Asian Film Festival kung saan isa siya naging sa awardees ng Screen International Rising Star Asia Awards. Sa parehong festival kinilala rin ang husay ni Therese sa pelikulang 'Hamog.'

advertisement
7 of 13

Versatile actress

Ang pagiging versatile actress ni Therese Malvar ay napatunayan na sa maraming mga pelikula at programa sa telebisyon.

8 of 13

Malvar

Ang pagiging mahusay ni Therese Malvar sa larangan ng sining ay hindi mailalayo sa kaniyang angkan. Si Therese kasi ay ang great granddaughter ng isa sa mga bayani ng Pilipinas na si General Miguel Malvar.

9 of 13

Tokyo International Film Festival

Naging bahagi rin ng 2018 Tokyo International Film Festival si Therese Malvar para sa pelikulang 'Distance' kasama ang award-winning director na si Percy Intalan.

advertisement
10 of 13

Best Lead Actress

Muli namang kinilala si Therese Malvar bilang Best Acress in a lead role sa independent film na 'Broken Blooms' sa Saskatchewan International Film Festival. Sa nasabing pelikula nakatambal ni Therese ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

11 of 13

Broken Blooms

Sa kaniyang pasasalamat, hindi nalimutan ni Therese Malvar ang kaniyang mga nakasama sa 'Broken Blooms' lalo na ang direktor na si Louie Ignacio.

Aniya, “Congrats po sa atin, team Broken Blooms! Thank you direk Louie Ignacio sa tiwala at gabay!!”

12 of 13

Eddys 

Humalili rin si Therese Malvar bilang Best Supporting Actress sa iba pang mga mahuhusay na indie actresses tulad nina Chai Fonacier at Angeli Bayani sa EDDYS 2018.

advertisement
13 of 13

Multi-awarded

Abangan ang marami pang acting projects and awards ni Therese Malvar.