Showbiz News

Glaiza de Castro, pasok sa Rock Pa More Grand Finals ng 'Eat Bulaga'

By MARAH RUIZ
 
Isang exciting showdown sa pagitan nina The Rich Man's Daughter star Glaiza de Castro at former Imago lead vocalist na si Aia de Leon ang napanood sa Rock Pa More segment ng Eat Bulaga kahapon, July 23. 
 
Ang kantang 'Alone' ng bandang Heart ang kinanta ni Aia. Samantalang, 'Zombie' naman ng The Cranberries and napili ni Glaiza.
 
 
Para sa kanilang gimik, inawit ng dalawa ang 'Sk8r Boi' ni Avril Lavigne—si Aia habang tumatalon talon sa isang trampoline at si Glaiza naman habang bumabalanse sa isang maliit na coffee table.
 
Si Glaiza naman ang pinalad na makapasok sa Grand Finals na gaganapin sa Sabado (July 25)!
 
Makakalaban niya dito sina Osang, Boobay at ang kapwa niya The Rich Man's Daughter leading lady na si Rhian Ramos.