Derrick Monasterio, Elle Villanueva, and other cast members of new series 'Makiling's first meeting

Naganap na ang first meeting para sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Makiling na pagbibidahan ng Sparkle love team na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.
Bukod kina Derrick at Elle, dumalo rin sa nasabing pagpupulong ang iba pang Kapuso stars na sina Thea Tolentino, Kristoffer Martin, at Myrtle Sarrosa na ayon sa produksyon ay gaganap sa mga kaabang-abang na roles.
Iikot ang kuwento ng Makiling sa mga pagsubok na pagdaraanan ng dalawang magkababatang lumaki sa paanan ng bundok Makiling na sina Alex at Amira na gagampanan nina Derrick at Elle.
Silipin ang ilang kaganapan sa first meeting ng cast at ng GMA Public Affairs para sa Makiling sa gallery na ito:







