Tumungo na papuntang Australia ang aktor na si Paolo Contis para simulan ang taping ng kanyang pelikula kasama sina Kaye Abad at Patrick Garcia.
Kasama nina Paolo, Kaye, at Patrick ang CEO at executive producer ng Mavx Productions na si Erwin Blanco.
Bago magsimula ng taping sa Penguin Island, Tasmania, Australia, nakipagkita muna si Paolo at ang kanyang mga kasama kay Mayor Cheryl Fuller at sa Filipino community sa north-west coast ng Tasmania.
Parte din ng cast ang dating 'Eat Bulaga' host na si Jimmy Santos.
Tingnan ang ilang larawan nila sa Australia sa gallery na ito.
Tumungo si Paolo Contis sa Australia para sa shooting ng kanyang bagong pelikula kasama sina Kaye Abad at Patrick Garcia.
Ang Mavx Production ay magpo-produce ng bagong pelikula ni Paolo.
Makakasama nina Paolo, Kaye, at Patrick sa pelikula si Jimmy Santos.
Nagkaroon ng pagkakataon sina Paolo, Kaye, at Patrick na makilala at makausap si Mayor Cheryl Fuller.
Bukod kay Mayor Cheryl Fuller, kinumusta rin ni Paolo ang ilang mga Pilipino na doon na nakatira.
Ayon sa Instagram post ni Paolo, sa Penguin Island sa Tasmania nila isu-shoot ang pelikula.
Selfie muna kasama ang produksyon crew ng pelikula sa pangunguna ng CEO at executive producer nitong si Erwin Blanco.
All-smiles sina Paolo at Jimmy na magiging magkasama sa iisang pelikula.
Abangan kung ano ang magiging kuwento ng pelikula nina Paolo, Kaye, at Patrick.