advertisement
Showbiz News

Celebrity preparations for the biggest showbiz event of the year, the GMA Gala

1 of 23

GMA Executives

Mula sa technical and creative design ng venue hanggang sa banquet menu, sinigurado ng GMA Executives na sina GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, Sparkle GMA Artist Center Vice President Joy Marcelo, at Consulting Head for Talent Imaging and Marketing Lawrence Tan na pulido ang magiging execution ng mga plano para sa GMA Gala 2023.

2 of 23

Heart Evangelista

Isa sa celebrity A-listers na inaabangan sa GMA Gala 2023 ay ang international fashion and style icon na si Heart Evangelista. Sa isang interview, nagbigay ng hint si Heart tungkol sa kaniyang magiging look sa event. Aniya, “I guess the biggest preparation really was my gown because I had to do many fittings for it cause it has to exactly be made according to your body, the molding and everything.”

3 of 23

David Licauco

Sa “Chika Minute” report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ibinahagi ni David Licauco na galing pa sa ibang bansa ang kaniyang suit na isusuot para sa nasabing event. Aniya, “Medyo pinaghirapan ko 'yung this year's gala kasi binili ko sa Hong Kong 'yung damit ko, 'yung susuotin ko.”

advertisement
4 of 23

Julie Anne San Jose

Isinisingit naman ni Julie Anne San Jose sa kaniyang busy schedule ang kaniyang pagahhanda para sa GMA Gala 2023. “Sa aming mga babae kailangan talaga maraming ginagawa e, like sa hair, nails, sa make-up, sa facial,” ani Julie.

5 of 23

Rocco Nacino

Effective naman ang naging slimming journey ni Rocco Nacino para sa GMA Gala 2023 dahil matapos lamang ang isang buwan ay nabawasan agad ng apat na kilo ang kaniyang timbang.

6 of 23

Paul Salas and Mikee Quintos

Idinaan ng Sparkle actor na si Paul Salas sa isang romantic dinner date ang kaniyang proposal sa aktres at kaniyang girlfriend na si Mikee Quintos upang kaniyang maging date sa nalalapit na GMA Gala 2023.

advertisement
7 of 23

Prince Clemente and Althea Ablan

Isang simple and sweet date proposal naman ang natanggap ng Sparkle actress na si Althea Ablan mula sa Kapuso hunk actor na si Prince Clemente para sa inaabangang GMA Gala 2023.

8 of 23

Jeric Gonzales and Rabiya Mateo

Pagbaba ng airport mula South Cotabato, sinalubong ng date proposal si Rabiya Mateo ng kaniyang boyfriend na si Jeric Gonzales. Kinilig naman ang beauty queen-actress at sumagot ng,”Yes,” sa nobyo upang maging ka-date sa GMA Gala 2023.

9 of 23

Marco Masa

Sa isang simpleng video idinaan ni Sparkle Teen Marco Masa ang kaniyang proposal sa aktres na si Ashley Sarmiento upang kaniyang maging date sa nalalapit na GMA Gala 2023. “Hi Ash, wala pa akong budget para sa enggrandeng proposal pero… will you be my GMA Gala date?” sulat ni Marco.

advertisement
10 of 23

Sparkle boys and girls

Sumalang din sa derma sessions para sa GMA Gala 2023 ang Sparkle boys na sina Sean Lucas, Bruce Roeland, Kimson Tan, Larkin Castor, at Yasser Marta. Kasama rin sina Dani Ozaraga, at Julia Pascual.

11 of 23

Sparkle Hearttrobs

Nagkaroon na rin ng fitting sina Allen Ansay, Bryce Eusebio, at Anjay Anson para sa kanilang suits na idinesenyo ng kilalang fashion designer na si Francis Libiran.

12 of 23

Faye Lorenzo

Nasukatan na rin para sa kaniyang isusuot na gown sa GMA Gala 2023 ang Kapuso sexy actress na si Faye Lorenzo.

advertisement
13 of 23

Rain Matienzo

Handa na rin ang glowing aura ni Sparkle actress and host na si Rain Matienzo para sa GMA Gala 2023.

14 of 23

Jake Vargas

Inihahanda na rin ang suit ni Kapuso actor Jake Vargas para sa GMA Gala 2023.

15 of 23

Angela Alarcon

Sumalang din sa fitness training si Angela Alarcon upang maging toned and sexy suot ang kaniyang gown sa GMA Gala 2023.

advertisement
16 of 23

Analyn Barro

Ready to slay the red carpet na rin ang Bubble Gang cast member na si Analyn Barro sa GMA Gala 2023.

17 of 23

Carlo San Juan

Nagkaroon na rin ng fitting ng kaniyang suit ang Sparkle actor na si Carlo San Juan.

18 of 23

Skye Chua

Naisukat na rin ni Skye Chua ang kaniyang isusuot na gown para sa GMA Gala 2023.

advertisement
19 of 23

Dustin Yu

Kaaabang-abang din ang magiging look ng Sparkle actor na si Dustin Yu na sumalang na rin sa fitting para sa kaniyang isusuot na suit.

20 of 23

Anthony Rosaldo

Kasado na rin ang magiging suit ni Kapuso singer Anthony Rosaldo para sa GMA Gala 2023.

21 of 23

John Rex

Nag-fitting na rin si The Clash 2023 grand champion na si Jon Rex para sa kaniyang isusuot na suit sa una niyang pag-attend sa GMA Gala 2023.

advertisement
22 of 23

John Clifford

Excited na sumalang sa fitting ng kaniyang suit ang Sparkle teen na si John Clifford para sa GMA Gala 2023.

23 of 23

James Graham

Handa na rin ang suit ni Royal Blood actor James Graham para sa GMA Gala 2023.