Showbiz News

Marian Rivera, Dingdong Dantes at iba pang Kapuso stars, nakipag meet and greet sa fans

By MARAH RUIZ

Talaga namang punung puno ng maraming activities ang GMA Grand Fans Day na idinaos sa SM Mall of Asia Arena ngayong July 26, 2015.

READ: #ThankYouKapuso: Grand Fans' Day, hatid ng GMA sa mga Kapuso supporters

Bukod sa halos buong araw na program at iba't ibang booths ay mayroon ding isang maliit na 'meet and greet' event. May mga nakadikit na special passes sa ilang mga upuan sa loob ng arena. Ito ang magbibigay sa ilang suwerteng fans ng pagkakataong makapagpa-litrato kasama ang kanilang mga paboritong Kapuso stars.

Una nang sumabak sa meet and greet sina Alden Richards, Kris Bernal at Louise de los Reyes.



Pares pares namang dumating ang Taste Buddies hosts na sina Solenn Heussaff at Iya Villania and The Rich Man's Daughter stars Rhian Ramos at Luis Alandy.





Nakipag biruian at kulitan naman ang Pepito Manaloto pair na sina Michael V at Manilyn Reynes sa mga fans bukod sa pakikipag-selfie sa mga ito.



Dumalo din dito ang real life couple at Beautiful Strangers stars na sina Lovi Poe at Rocco Nacino.



Sinundan naman sila ng isa sa mga pinakabagong tambalan ng GMA na sina Tom Rodriguez at Megan Young na parehong bibida sa nalalapit na remake ng Marimar.



Dumating din ang My Faithful Husband lead stars na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.



Isa sa mga higit na inabangan ng mga fans ay ang pagdating ng Primetime King and Queen at mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.



LOOK:#ThankYouKapuso: GMA dedicates 65th anniversary to fans