Showbiz News

Heart Evangelista, pinagaan ang loob ni Dianne Medina sa 'Beautiful Strangers'

By MARAH RUIZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Unang soap at regular project ni Dianne Medina sa GMA Network ang  Aminado ang aktres na kabado siya dahil first time niyang makakatrabaho ang karamihan sa cast at crew dito.
 
"Si Heart (Evangelista) talaga yung nagpa-gaan [ng loob] sa akin. She's really nice to me. Talagang winelcome niya ako. Mabait siya. Lagi din niya kong kinakausap," bahagi ni Dianne sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
 
Bukod dito, naging magaan ang loob ni Dianne dahil kilala na niya ang ilang pang cast members dito.
 
"I've worked na with Ms. D (Dina Bonnevie) already. Si Tito Boyet de Leon, kilala ko na siya sa kabilang station. So Lovi (Poe) and si Rocco (Nacino) kilala ko din kasi friends sila nung boyfriend ko, si Rodjun Cruz," ayon dito.
 
READ: Rodjun Cruz's sweet message for Dianne

Si Dianne ang gaganap kay Monica na bestfriend ng karakter ni Heart na si Kristine. 
 

"She's very simple, medyo may pagka-chismosa at very perky. Gusto niya lagi chumismis. Pero siya 'yung laging nagtatanggol kay Kristine. Kasi nga itong si Kristine, wala pa ding love life. Siya yung laging nagpu-push sa mga boys," paglalarawan nito sa kanyang karakter.
 
Abangan si Dianne sa nalalapit na premiere ng Beautiful Strangers, August 10 na sa GMA Telebabad.