Showbiz News

Gaano ka-close sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid?

By BEA RODRIGUEZ 
 
Kapansin-pansin ang sweetness nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid sa isa’t isa, lalo nang bumida sila sa primetime drama series na Let the Love Begin.
 
Nitong Martes, umupo sa hot seat ang tambalang GabRu para sa question and answer segment kasama ang Unang Hirit hosts na sina Suzi Abrera at Lyn Ching. Ibinunyag ng young stars na pareho silang sweet at madalas tumawag o mag-text sa isa't isa.
 
Inamin naman ni Gabbi na siya ang madalas mapikon, “Si Ruru kasi hindi kumpleto ang araw niya kung hindi niya ako inaasar.” Dagdag pa niya na si Ruru ang late dumating sa set, “Basta ako ‘yung laging nauuna."
 
Video courtesy of GMA News

Subaybayan ang huling dalawang linggo ng kanilang serye at abangan ang mangyayari kina Pia at Erick. Aniya ng Kapuso actor, "Siyempre sisiguraduhin namin na mas lalo po namin papagandahin ang mga eksena at mas lalo kayong papakiligin, pasasayahin at siyempre papaiyakin gabi-gabi pagkatapos ng Pari 'Koy."