Showbiz News

Aiai Delas Alas, nahanap na ang ama ni Jiro Manio

By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Sa 15th anniversary party ng Yes! magazine, nakausap ng press ang Let the Love Begin actress na si Aiai Delas Alas tungkol kay Jiro Manio.
 
LOOK: Celebrities on the red carpet of Yes! magazine anniversary party
 
Ayon sa bagong balita ni Aiai, nahanap niya na ang ama ni Jiro. 

READ: Aiai Delas Alas, dadalhin si Jiro Manio sa Japan
 
"'Yung mga friends ko from Japan, pinapahanap ko na siya. Actually nahanap ko na siya. Hindi pa lang namin makausap kasi, the father may family. Siyempre, isipin din muna natin 'yung kalagayan din nung kabilang side."
 
Dagdag ni Aiai, pinaintindi naman umano niya kay Jiro ang kalagayan ng kanyang biological father at positive naman ang dating child star sa pagtanggap ng balitang ito. Kuwento ni Aiai, "Pinaintindi ko naman kay Jiro. Nakakatuwa kasi nakikinig naman siya. Naintindihan niya 'yung kung saan kami dapat magsimula." 
 
Sa ngayon, si Aiai muna ang tumatayong guardian ni Jiro at sinang-ayunan umano ito ng adoptive father ni Jiro na si Andrew Manio. 
 
"Ako muna. Sinabi ko naman din kay daddy niya na kung ayaw niya muna ng away away o mga kaguluhan puwedeng ako na po muna. Okay naman po sa daddy."
 
"Sabi nga po ni daddy, kung talagang ayaw na niya, puwede niyo po bang ampunin si Jiro?" dagdag na pahayag ni Aiai.
 
Ayon kay Aiai, welcome si Jiro sa kanilang pamilya. "Oo naman, siyempre naman. Welcome naman."
 
Suportado rin umano ng mga anak ni Aiai kung ano man ang maging desisyon niya sa pagtulong kay Jiro. Aniya, "Alam din naman po ng mga bata kung ano ang desisyon ko eh. At lahat po sila tumutulong sa akin especially si Sancho, supportive naman."