Showbiz News

'I have always wanted to work with other networks' - Alice Dixson

By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
"I feel welcomed back!"
 
Ito ang naging pahayag ni Alice Dixson nang tanungin kung ano ang pakiramdam sa kanyang pagbabalik sa Kapuso network.
 
READ: Alice Dixson joins the cast of 'Marimar'
 
Huling napanood ang aktres sa teleseryeng Hanggang Kailan noong 2004 kasama sina Christopher de Leon at Lorna Tolentino. Ngayon ay gaganap siya bilang Mia Corcuera sa bagong adaptation ng Marimar na pagbibidahan nina Megan Young at Tom Rodriguez.
 
LOOK: Ina Raymundo and Alice Dixson as Brenda and Mia
 
"Wala namang dahilan para mawala ako sa GMA. Always naman akong pinapayagan ng TV5 na gumawa sa ibang network," kuwento niya.
 
Matagal na rin daw niyang hangad na masubukang magtrabaho sa ibang TV networks pero hindi lang siya nabibigyan ng pagkakataon.
 
"I think siguro naging choice ng ibang network na huwag akong i-expose sa kanila because they thought it was a conflict of interest. But I have always wanted to work with other networks."
 
Naitanong rin kay Alice kung ano na ang estado ng kanyang love life, na patawa niyang sinagot.
 
"Tingnan natin (laughs). Mahirap ma-in love eh. Laging may inisip ka, mayroon kang inaalala."
 
READ: Alice Dixson, longtime crush ni Tom Rodriguez 
 
Pero aniya, hindi naman daw niya itinatago ito.
 
"I've always been secretive of my love life. I don't like talking about it but I don't hide it. I don't hide anything."
 
The actress was married to businessman Ronnie Miranda. They filed for divorce after 13 years of marriage.