Showbiz News

Megan Young, kabado sa intense scenes nila ng kapatid niyang si Lauren sa 'Marimar'

By BEA RODRIGUEZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Aminado si Kapuso star Megan Young na kinakabahan daw siya sa mga intense scenes nila ng kapatid niyang si Lauren na gaganap bilang si “Antonia,” isa sa makakalaban niya sa Marimar.
 
“Lagi kong sinasabi na medyo kinakabahan ako dun sa mga eksena namin na medyo intense kasi intense na actor si Lauren which is good for me kasi at least dapat lumevel up ako sa kanya,” ani Miss World 2013 sa Unang Hirit.
 
READ: Megan Young, makakalaban sina Jaclyn Jose at Lauren Young sa 'Marimar'
 
Lubos naman ang paghahanda nila ni Tom Rodriguez para mas maging epektibo ang pagganap nila sa kani-kanilang mga karakter.
 
Araw-araw bumibisita sa gym ang Kapuso actor upang makuha ang matipuno na pangangatawan ni “Sergio.” Bukod sa pampisikal na katangian ng karakter, teknikal din ang paghahanda nito, “Studying the role in my own way, hindi ‘yung material beforehand pero kung ano ‘yung mga qualities that I might find in him.”
 
Dagdag pa niya, “Kunwari, iisipin mo kung saan ‘yung location ng show, ano ‘yung basic description ng character then tini-try kong i-imagine and slowly build them up into a real person.”
 
READ: Tom Rodriguez, excited to work with longtime showbiz crush 
 
Ang beauty queen naman ay abala sa pag-aaral ng mga aktibidades ni Marimar katulad ng horseback riding, scuba diving at dance workshops.
 
Isinasama niya na rin ang mga gawi ng kanyang karakter sa pang araw-araw na buhay, “Kunwari, gigising ako sa umaga. Pagkagising ko, iniisip ko na ako si Marimar so parang inilalagay ko na sa sarili kong buhay para pagdating ko sa set, hindi na ako si Megan, ako na si Marimar kahit sa simpleng bagay pa lang.”