Showbiz News

Barbie Forteza, nakamit na raw ang kanyang goals bago siya mag-18 years old

By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Sobrang daming blessings ang dumarating sa The Half Sisters star na si Barbie Forteza na magdiriwang ng kanyang 18th birthday ngayon (July 31). Bukod sa napakaganda ng itinatakbo ng Afternoon Prime soap, marami pa raw siyang gustong pasalamatan.
 
READ: Barbie Forteza turns 18, does not want an extravagant party
 
Nangunguna sa kanyang listahan ay ang Kapuso network. "Happy ako sa takbo ng buhay ko especially ng career ko. Talagang ever since na nag-start nga ako [sa showbiz] noong 12 years old [pa lang ako], hindi talaga ako pinabayaan ng GMA," saad ni Barbie.
 
Bukod pa rito, thankful din si Barbie dahil ayon sa kanya, nakamit na raw niya ang kanyang goals bago pa siya maging 18 taong gulang. 
 
"Pagdating naman sa buhay ko, ang ganda ng itinatakbo. So far ang ganda ng nangyayari sa 'kin. Nakapag-invest na ako, mayroon na kaming bahay, hindi na kami nakatira sa condo, at 'yung van ko nariyan pa rin," ani Barbie. 
 
Dagdag pa niya, "Masaya ako kasi karamihan ng mga na-achieve ko sa buhay, na-achieve ko na before ako mag-18."
 
Pero bahagi ng The Half Sisters star, hindi porket na-achieve na niya ang kanyang goals ay titigil na siyang mangarap. "More challenges, more goals, bigger goals na and looking forward naman ako sa mga ganyang bagay and excited ako," pagtatapos ng Kapuso teen actress.
 
LOOK: The bubbly Barbie Forteza turns 18