Showbiz News

Jennylyn Mercado, kinikilig kay Dennis Trillo?

By CHERRY SUN
 
Madalas magkasama ngayon sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo dahil na rin sa pagbabalik-tambalan nila sa upcoming drama na My Faithful Husband.
 
Noong isang linggo ay bumisitang muli si Dennis sa beauty salon ni Jennylyn at nag-post ito ng photo. Bati niya, “Ang ganda naman ng katabi ko oh.”
 
 
Hindi naman maiwasang mangiti ni Jennylyn sa natanggap na compliment. Pag-amin niya sa 24 Oras, “Nakakatuwa kasi na-a-appreciate na ‘yung kung ano lang ang meron ako.”
 
Kapapanapanabik din raw ang My Faithful Husband na magsisimula na sa August 10.
 
Ani Jen, “Very controversial kasi usually ‘yung may pinagdadaanan na pamilya ‘yung mga guys ‘yung medyo nagkakaroon ng problema. This time, tingnan natin kung ‘yung babae naman ‘yung magkaroon ng problema.”
 
Maliban sa kanilang upcoming soap ay busy rin sa ilang projects ang hot momma.
 
Muling pinatunayan ni Jennylyn na siya ang Philippine’s sexiest woman ngayong taon sa kanyang bagong lingerie endorsement.
 
LOOK: 10 photos that show Jennylyn Mercado is the sexiest woman alive 
 
 
Sa kanyang pagrampa ay kapansin-pansin ang magandang hubog ng kanyang pangangatawan. Kuwento niya, wala mang diet ay dahil daw ito sa kanyang regular exercise.
 
“Hindi ako puwede mag-diet kasi nagtatrabaho ako, nagpupuyat ako. Most of the time sa set na ako nag-[e-exercise], konting push ups,” paliwanag ng aktres.
 
May dalawang pelikula ring pagbibidahan si Jennylyn, ang ‘Prenup’ kung saan makakapareha niya si Sam Milby at ang ‘May Forever.’
 
Video courtesy of GMA News