Showbiz News

May nawawalang bata sa 'Vampire Ang Daddy Ko'

By AEDRIANNE ACAR
 
Mukhang may trouble na naman sa lugar ng mga Ventura, mawawala ang anak ng isang dayo na si Winnie (Meryll Soriano) at handa raw siya magbigay ng pabuya sa sinomang makakahanap sa nawawala niyang anak na si Tiffany (Steph Yamut).
 
Ano ang tunay na pagkatao ng sosyal na si Winnie? Mahanap kaya niya si Tiffany?
 
Ito namang si Diva, pursigido na magbago at maging good vampire. Tutulungan niya si Sonya na magsagawa ng isang garage sale para maibenta ang mga sobra niyang damit at ang perang malilikom ay i-do-donate daw sa charity.
 
Pero hindi makakapayag ang mga kampon ni Vava na tuluyan nang maging mabait si Diva at gagawa sila ng paraan para masabotahe ang garage sale nina Sonya at Diva.
 
Mga Kapuso, tiyak sulit na naman ang mapapanood ninyo tuwing Linggo ng gabi sa Vampire Ang Daddy Koat special guest nina Bossing Vic Sotto sina Meryll Soriano at Yagit child star na si Steph Yamut.
 
Kaya tutukan ang mas kapana-panabik na episode ng pamilya Ventura this Sunday (August 2) pagkatapos ng 24 Oras Weekend.